Kinasuhan na ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pamunuan ng Igorot Stone Kingdom dahil sa paglabag sa Presidential Decree 196 o National Building Code of the Philippines.
Paliwanag ni Mayor Benjamin Magalong, hindi dumaan sa tamang proseso ang pamunuan ng pasyalan dahil wala itong building permit.
Aniya, makailang ulit din niya itong binigyang ng pagkakataon para ayusin ang kanilang dokumento pero nagtayo muli ang pamunuan ng panibagong istruktura.
Iginiit naman ng alkalde na hindi ligtas ang lugar dahil prone ito sa erosion.
Matatandaang ipinasara ni Magalong ang naturang pasyalan noong Miyerkules, Nobyembre a-nueve dahil sa kakulangan sa papeles.