Nagpalabas na ng mas pinahigpit na guidelines ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) bilang paghahanda para sa muling pagbabalik operasyon ng LRT-1.
Ayon sa pamunuan ng LRMC, kasalukuyang nakikipag tulungan na sila sa kanilang mga partner para maisakatuparan ang sanitation technologies at iba pang paraan para mapanatiling ligtas ang mga railway sa mga pasahero.
Ilan sa mga kabilang sa inilabas na guidelines ay No Mask No Entry, pagdaan sa thermal screening ng lahat ng papasok ng LRT-1 station, at ang pag-obserba ng physical distancing sa mga platform at tren.