Naghahanda na ang pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) para sa muling pagbabalik ng tradisyunal na paggunita ng Undas sa Nobyembre.
Ayon kay MNC Chief Roselle Castañeda, simula ngayong araw, October 1 hanggang 25 ay bukas ang sementeryo mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para sa mga maglilinis o magpipintura ng mga puntod ng kanilang mahal sa buhay.
Hanggang Oktubre 28 naman aniya papayagan ang libing at cremation upang bigyang-daan ang pagdagsa ng mga tao sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni Castañeda, bubuksan sa publiko ang MNC mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 sa ganap na alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Mahigpit namang nagpaalala ang hepe na bawal ang “overnight” tulad ng nakagawian.
Samantala, dapat na fully vaccinated laban sa COVID-19 ang mga indibidwal na magtutungo sa naturang lugar.