Nagpasalamat ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival o MMFF sa suporta sa mga pelikulang kalahok.
Sinabi ni MMFF Spokesperson Noel Ferrer na taliwas sa naging komento ng ilan bago ang festival, naging maganda ang resulta nito.
Ayon kay Ferrer, mula pa lamang noong MMFF parade ay ipinakita na ng publiko ang pagpapahalaga sa bagong bihis ng mga pelikulang kasali.
Bukod sa mga manunuod, nagpasalamat din ang pamunuan ng MMFF sa mga sinehang nagpalawig ng showing at maging sa media dahil sa information dessimination na ginawa nito.
Maaalala kasing hanggang noong January 3 na lang sana ang MMFF pero dahil sa anila’y pagsuporta ng publiko ay hiniling ng pamunuan na palawigin ito hanggang January 7.
Kasabay nito ang paghikayat ni Ferrer sa publiko, particular sa mga hindi pa nakapapanuod na samantalahin na ang huling sigwa ng MMFF sa January 7.
By: Avee Devierte / Allan Francisco
Picture Courtesy of MMFF (Twitter Account)