Humingi na ng sorry sa pamilya ng pitong nasawing pasahero ang pamunuan ng MERCRAFT Shipping Corporation na nagmamay-ari sa nasunog na MV MERCRAFT 2 sa Real, Quezon.
Ayon kay Michelle Avanica, kinatawan ng MERCRAFT, tatanggapin ng kanilang kumpanya ang anumang ihahaing kaso ng pamilya ng mga nasawi.
Pansamantala nang sinuspinde ang operasyon ng ilan pang vessel ng MERCRAFT habang pinag-aaralan pa kung babawiin ang prangkisa nito.
Natuklasan naman na noong 2017 ay isa ring barko ng MERCRAFT ang tumaob na ikinasawi ng limang pasahero.