Ipinapa-audit ng National Food Authority (NFA) Council ang pamunuan ng National Food Authority sa Commission on Audit (COA) sa harap ng ulat ng ubos na ang NFA rice sa mga bodega ng NFA para sa Metro Manila at ilang lalawigan.
Ayon kay Cabinet Secretary at NFA Council Chairman Leoncio Evasco, nais nilang malaman kung saan dinala ng NFA ang isang milyong kaban ng bigas kada buwan na inilabas nila noong panahon ng anihan.
Sinabi ni Evasco na nakita nila ito mismo sa report na isinumite sa kanila ng NFA.
Ipinaliwanag ni Evasco na hinay-hinay dapat ang pagpapalabas ng NFA kapag panahon ng anihan upang hindi makipagkumpetensya sa mga magsasaka at bulto-bulto naman ang dapat nilang inilalabas sa lean months ng June, July at August.
Samantala, itinanggi ni Evasco na apektado ng hindi nila pagkakaunawaan ni NFA Administrator Jason Aquino ang importasyon ng bigas para maibalik ang NFA rice sa pamilihan.
Ayon kay Evasco, prinoprotektahan lamang ng konseho ang kapakanan ng sambayanan kaya’t mas pabor sila sa G2P o government to private bilang terms of reference sa pag-import ng bigas.
Taliwas ito sa iginigiit ni Aquino na G2P o government to government importation.
Binigyang diin ni Evasco na mawawalan ng saysay ang pagkakaroon ng isang konseho kung hindi naman pala susunod ang NFA management.
—-