HomeNATIONAL NEWSEXPLAINERSIsang guro, pinatunayan ang pagiging ikalawang magulang sa mga estudyante nang tumayo ito bilang magulang ng estudyanteng nag-iisa sa parents day
Naghahanda na ang pamunuan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway sa pagdagsa ng mga motorista ngayong araw na ito.
Nakaabang na ang mga karagdagang collection booth sa malalaking toll plaza oras na humaba na ang pila sa mga toll booth.
Hinikayat naman ang mga driver na manatiling alerto at disiplinado upang maiwasan ang aksidente.
Pinaalalahanan pa ang mga magmamaneho na inspeksyunin mabuti ang sasakyan para sa kanilang kaligtasan.
Inaasahang simula mamayang tanghali ay dadagsa na ang mga motorista at magsisimulang bumigat ang trapiko sa NLEX at SLEX.
SLEX
Samantala, 24 oras na nag-iikot ang traffic patrollers ng SLEX.
Tiniyak ito ni Babsie Aragon, Spokesperson ng SLEX lalo na aniya ngayong Semana Santa kung kailan dagsa ang mga motoristang dumadaan sa nasabing expressway patungo sa mga lalawigan sa katimugang bahagi.
Kasabay nito, siniguro rin ni Aragon ang kahandaan ng lahat ng mga gasolinahang sakop ng SLEX para bigyan ng ayuda ang mga motorista bilang bahagi na rin nang ikinakasa nilang ‘Lakbay Alalay’ para sa mga motorista ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Aragon na kumpleto sa pasilidad at lahat ng mga pangangailangan ng mga motorista ang mga gasoline station sa SLEX.
“Meron tayong Lakbay Alalay for motorist assistance, if you need you will find it in a gasoline station at malinis po ang mga facilities natin.” Ani Aragon.
Kasabay nito ay itinigil muna ng pamunuan ng SLEX ang lahat ng repair at construction works nito ngayong Semana Santa.
Ito ayon kay Aragon ay para sa mas mabilis na biyahe ng mga motorista ngayong Mahal na Araw.
“Yung mga repavement at reasphalting natapos na po namin in time for Holy Week, at lahat ng construction ay tigil po lahat.” Dagdag ni Aragon
MRT-LRT Schedule
Nag-abiso naman ang pamunuan ng MRT at LRT na wala itong operasyon sa susunod na apat na araw.
Ito ay upang bigyang daan ang maintenance ng mga tren at riles nito.
Simula Abril 13 hanggang Abril 16 ay walang biyahe ang mga tren ng MRT-3, LRT-1 at 2 at magbabalik-operasyon ito sa Abril 17, araw ng Lunes.
Wala ring biyahe ang tren ng PNR (Philippine National Railways) ngayong Holy Week maliban lamang sa araw ng Linggo kung saan magkakaroon ng biyahe sa piling istasyon lamang.
Sarado naman ang mga pangunahing mall sa bansa sa Huwebes Santo at Biyernes Santo maliban lamang sa SM Baguio.
Magbabalik naman sa normal na operasyon ang mga mall sa Abril 15, Sabado de Gloria.
Sarado rin ang lahat ng sangay ng mga bangko partikular ang BPI, BDO at PSBank mula Abril 13 hanggang Abril 16.
Habang piling branch naman ng Security Bank ang magbubukas sa darating na Sabado at Linggo.
Siniguro naman ng nasabing mga bangko na mananatiling operational ang kanilang mga ATM o automated teller machine para magserbisyo sa publiko.
By Rianne Briones| Judith Larino | Balitang Todong Lakas (Interview)
Pamunuan ng NLEX at SLEX handa na sa buhos ng mga motorista ngayong araw was last modified: April 12th, 2017 by DWIZ 882