Itinanggi ng pamunuan ng San Lazaro Hospital ang alegasyon ng isang grupo ng mga nurse kaugnay sa pagiging “overworked at underpaid” ng mga health worker sa naturang pagamutan.
Ayon sa San Lazaro Hospital, binibigyang pagkilala nila ang dedikasyon sa trabaho ng lahat ng kanilang kawaning kaisa sa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kaya naman anila ay binibigyang halaga rin nila ang kapakanan ng kanilang mga tauhan.
Sa katunayan umano ay inaprubahan ng ospital ang work schedule na ipinanukala ng nursing division’s staff at mga supervisor nito kung saan mababawasan ng araw sa isang linggo ang pasok ng mga nurse staff para magkaroon ang mga ito ng sapat na pahinga.
Magugunitang sinabi ng Filipino Nurse United na nakararanas umano ang mga medical worker sa San Lazaro ng physical, emotional at mental distress dahil sa bigat ng trabaho at underpaid pa.