Hindi na tuloy ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa Panagbenga Flower Festival 2020 para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod ito ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency dahil sa COVID-19.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, bukod sa mga aktibidad na may kaugnayan sa Panagbenga ay suspendido na rin ang night market sa kahabaan ng Harrison Road gayundin ang pedestrianization ng session road na ginawa tuwing Linggo.
Sinuspinde na rin ang Cordillera Dministrative Region Athletic Association Sports Meet.