Tuloy na ang pagdaraos ng Panagbenga o Flower Festival ng Baguio City matapos itong maipagpaliban dahil sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na una na nilang ipinagpaliban ang Panagbenga dahil wala pa silang sapat na kaalaman hinggil sa COVID-19.
Subalit nagpasya aniya silang ituloy na ang Flower Festival nang mabatid na marami nang persons under investigation (PUI) sa COVID-19 ang nakalabas na ng ospital.
Tiniyak ni Magalong ang mga hakbangin at paraan para masiguro ang mahigpit na magpapatupad nito kontra COVID-19.
Ang grand opening parade ay itinakda sa March 21 samantalang ang closing ceremony na mayroon pang fireworks display ay isasagawa sa April 5.