Naniniwala si Vice President Leni Robredo na may pangangailangan na para sa isang kompromiso sa pagitan ng mga employer at empleyado.
Iyan ang reaksyon ng pangalawang pangulo sa isyu ng kontraktuwalisasyon sa bansa na aniya’y napakatagal nang pinadi-debatehan.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya lalagda ng isang EO o Executive Order para tapusin ang endo at sa halip ay ipauubaya na lamang niya sa kongreso ang pagpasa ng batas na magtatakda ng regulasyon dito.
Giit ni Robredo, panahon na para upuan ang isyu sa lalong madaling panahon dahil kapwa aniya may nais mangyari ang mga manggagawa gayundin ang mga employer subalit hindi naman ito mabigyan ng angkop at katanggap-tanggap na tugon.