Ipinagdiinan ni Senador Panfilo Lacson na napapanahon na para repasuhin ang Republic Act 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards of Government Employees” kung saan ipinagbabawal ang pagtanggap nila ng anumang uri ng regalo.
Ayon kay Lacson, bukod sa impractical ito, masasabi ring hypocritical ito dahil hindi naman sinusunod ng karamihan ng mga kawani ng gobyerno.
Naniniwala aniya siya na kahit mga mahistrado ng Korte Suprema ay hindi tumatalima sa naturang batas.
Kaugnay nito, plano ni Lacson na maghain ng panukalang batas na mag-aamyenda sa probisyon ng R.A. 6713 na nagbabawal sa pagtanggap ng anumang regalo ng mga kawani at opisyal ng gobyerno.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno