Opisyal nang idineklara ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang panahon ng tag-init.
Ito ayon sa PAGASA ay kasunod na rin ito nang nakita nilang pamumuo ng High Pressure Area (HPA) sa north Pacific Ocean nitong nakalipas na weekend at humarang sa amihan o northeast monsoon na siyang may dala ng lamig.
Dahil tapos na ang amihan, sinabi ni PAGASA Administrator Vicente Malano na asahan na ang mas mainit at mas tuyong panahon sa bansa.
By Judith Larino