Idineklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang panahon ng tag-init.
Sinabi ng PAGASA na tapos na ang amihan o northeast monsoon season kaya’t asahan na ang mas mainit pang temperatura sa mga susunod na araw.
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA na mayroon pa rin isolated rainshowers o manaka-nakang pag-ulan at pagkulog sa ilang lugar lalo na sa hapon o gabi.
Ayon pa sa PAGASA, humina na rin ang Siberian high pressure area at ang presensya ng North Western Pacific high pressure area.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na umiwas sa heat stress at palagiang hydrated.
—-