Planuhin na ang inyong summer getaway at ihanda ang mga beach outfit, sapagkat pormal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-init o dry season.
Ito’y ayon sa PAGASA weather forecasting center ay dahil sa tuluyan nang humina ang northeast monsoon o hanging amihan na siyang nagdadala ng malamig na hangin.
Maliban dito, nakapagtala rin ang PAGASA ng unti- unting pagtaas ng temperatura na isa sa mga indikasyon ng tag-tuyot tulad ng General Santos City na nakapagtala ng 35 degrees Celsius.
Dahil dito, inaasahang maglalaro mula 24 hanggang 33 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila habang maglalaro naman mula 23 hanggang 31 degrees Celsius ang Tuguegarao.
Pero sa kabila ng opisyal na pagsisimula ng tag-init, nabulabog naman ang Metro Manila at ilang karatig na mga lalawigan ng malakas na buhos ng ulan.
Dahil dito, nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila na umabot pa hanggang gutter o bangketa kahit ilang minuto lamang nagtagal ang pag-ulan.
Paliwanag ng PAGASA, normal lamang na pumapasok ang dry season tuwing buwan ng Abril kung saan, abril 5 nang opisyal na ideklara ng PAGASA ang dry season o tag-init nuong isang taon.