Posibleng madeklara na sa susunod na linggo ang opisyal na panahon ng tag-init.
Ito ay dahil sa inaasahang mawawala na sa Lunes ang umiiral ngayong amihan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, mula sa northeast monsoon ay tuluyan na itong mapapalitan ng easterlies na magdadala ng maalinsangang panahon sa bansa.
Samantala, dalawang weather sytem ang magkasabay na umiiral at nakaapekto pa rin sa buong bansa ngayong araw.
Ito ay ayon sa PAGASA, kasunod ng muling paglakas ng northeast monsoon o hanging amihan na nakaaapekto sa hilaga at Gitnang Luzon habang umiiral naman ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Dahil dito asahan na ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa hilagang bahagi ng Luzon partikular sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at maging sa Ilocos Region.
Habang maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa maliban sa silangang Visayas at Mindanao partikular sa Caraga Region na makararanasa ng maulap na kalangitan na may kasamang mahinang pag-uulan.
—-