Muling nilinaw ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na hindi pa nagsisimula ang tag-ulan sa kabila ng mga nararanasang thunderstorms sa dakong hapon o gabi sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, hindi pa naman aktuwal na nagsisimula ang rainy season at tanging habagat o southwest monsoon ang nagdadala ng mga pag-ulan.
Bagaman kahapon inanunsyo ng weather bureau ang pagpasok ng habagat o weak monsoon, inaasahang sa pagitan ng Mayo 28 hanggang Hunyo 5 maaaring magsimula ang rainy season.
By Drew Nacino
Panahon ng tag-ulan hindi pa nagsisimula—PAGASA was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882