Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panahon ng tag-ulan.
Ito ayon mismo sa PAGASA ay matapos makumpleto ang mga requirement para tuluyan nang ideklara ang rainy season.
Kabilang dito ang pag-iral na ng hanging habagat o southwest monsoon at sapat na naitalang ulan sa mga nakalipas na araw sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Tulong ng ulan
Posibleng makadagdag na sa water level sa Angat Dam at iba pang malalaking dam sa Luzon ang mga pag-ulan pa sa mga susunod na araw.
Kasunod na rin ito nang pormal na deklarasyon ng PAGASA hinggil panahon ng tag-ulan.
Ayon pa sa PAGASA, ang mga pag-ulan ay inaasahang makakatulong sa mga pananim ng mga magsasaka na naapektuhan ng mahabang tagtuyot.
By Judith Larino