Opisyal nang idineklara ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang panahon ng tag-ulan.
Sinabi ng PAGASA na ang naitalang buhos ng ulan nitong nakaraang limang (5) araw ang indikasyon na nag-umpisa na ang rainy season.
Ibinabala ng Weather Bureau na maaaring makaranas ng higit sa normal na pag-ulan sa susunod na dalawang buwan ng Hunyo at Hulyo.
Bukod dito, inaasahang magiging mas maulan ang rainy season ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang taon, kung kailan nakaranas ang bansa ng El Niño.
Sa pagtaya ng PAGASA, 19 hanggang 20 bagyo ang maaaring pumasok ngayong taon sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
By Meann Tanbio
Panahon ng tag-ulan idineklara na ng PAGASA was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882