Posibleng maranasan ang La Niña phenomenon sa huling bahagi ng taong 2021 hanggang unang quarter ng susunod na taon.
Ayon sa PAGASA, nasa 70 hanggang 80% ang tsansang mabuo ito.
Ang La Niña ay ang paglamig ng temperatura sa Central at Eastern equator ng Pacific Ocean indikasyon ng pagpasok ng mas maraming bagyo at iba pang weather disturbance.
Posible rin sa mga susunod na buwan ang ‘above-normal rainfall conditions’ sa malaking bahagi ng bansa kaya’t inaasahan na ang madalas na flashfloods at landslides.
Inabisuhan na ng PAGASA ang mga concerned agency na maghanda sa inaasahang epekto ng La Niña.