Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng rainy season o tag-ulan sa ating bansa.
Ayon sa PAGASA, pumasok na ang tag-ulan kasunod ng pagdaan ni Bagyong Dante.
Ibig sabihin, ayon sa PAGASA ay patuloy na mararanasan ang intermittent rains bunsod ng southwest monsoon sa metro manila at sa kanlurang bahagi ng bansa.
Bukod pa rito, mataas din ang tsansa na umiral ang above normal rainfall conditions hanggang sa buwan ng Hulyo.
Kasunod nito, siniguro nn PAGASA na patuloy nilang tututukan ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.