Posibleng maideklara na ngayong linggo ang panahon ng tag-ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagkaroon na ng maraming pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Ang maraming pag-ulan naman ay hinihintay pa sa Luzon sa oras na kumilos na pa-Norte ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa ngayon anila, patuloy pa ring umiiral ang ridge of High Pressure sa ilang bahagi ng Luzon.
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng temperatura sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pagkakaroon ng mga kaulapan sa himpapawid.
By Ralph Obina