Posibleng magsimula na sa unang linggo ng Hunyo ang panahon ng tag-ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, inaasahang sa pagitan ng June 4 hanggang June 14 ay opisyal nang maideklara ang rainy season.
Samantala, ipinabatid ng PAGASA na inaasahang nasa isa hanggang dalawang bagyo ang papasok na bagyo papasok sa bansa.
Ito’y kung saan kadalasang tumatawid ang bagyo sa bahagi ng Luzon at Visayas.
—-