Posibleng pumasok na ang panahon ng tag-ulan sa huling linggo ng Mayo.
Ayon sa PAG-ASA, mas maikli ang tag-init o summer ngayon kumpara sa mga nakaraang taon dahil sa nararanasang weak la niña na nagdudulot ng paglamig ng karagatan sa bahagi ng Central at Eastern Pacific na magdadala naman ng pag-uulan.
Magugunita namang Abril 10 lamang nang ideklara ng pag-asa ang opisyal na pagpasok ng panahon ng tag-init.