Posibleng pumasok na ang panahon ng tag-ulan sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hunyo.
Ayon sa PAGASA, dumadalas na ang nararanasang mga thunderstorms na hudyat na rin ng pagsisimula ng pag-iral ng hanging habagat.
Gayunman titingnan pa rin kung makikita na ang batayan para makapagdeklara na ng panahon ng tag-ulan.
Samantala, posible namang tumagal pa hanggang katapusan ng taon ang nararanasang El Niño sa bansa.
Ito’y batay sa pinakabagong pagsusuri ng pagasa taliwas sa kanilang naunang pag-aaral kung saan tatagal lamang hanggang Agosto ang El Niño.
Dahil dito inaasahan umano na mas kakaunti lamang ang bagyong papasok sa bansa bagama’t inaasahang mas malalakas ito dahil sa mainit na karagatan.