Malaki na ang ipinagbago ng panahon habang nagiging maunlad ang teknolohiya.
ito ang inihayag sa DWIZ ni Archbishop Oscar Cruz bilang obserbasyon sa mga kaganapan ngayon sa bansa.
sinabi ni Cruz na dati ay tahimik kahit Pasko subalit ngayon ay iba na ang sitwasyon dahil may mga patayan at nadadamay pati mga inosenteng mamamayan.
Ayon pa kay Archbishop Cruz, lumalayo na sa nakasanayan kayat hangad niya na sana dumating ang panahon na bumubuti na unti unti.
By: Aileen Taliping