Magiging maaliwalas pa rin ang panahon lalo na sa umaga at tanghali ang Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon pero posibleng makaranas ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pagsapit ng hapon at gabi bunsod ng localized thunderstorm.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, patuloy pa rin na magdala ng payong at iba pang panangga sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Wala namang inaasahang malawakang pag-ulan sa Visayas at Mindanao pero asahan na magiging mainit at maalinsangan ang panahon lalo na sa umaga hanggang tanghali na may mataas na tiyansa ng mga pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 hanggang 32 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:22 ng hapon.