Patuloy pa ring umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan sa bahagi ng Luzon kaya asahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Cagayan Valley, at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR) maging sa Aurora, Northern Portion ng Quezon Province kasama na dito ang Polillo Island, Romblon, at Marinduque.
Ayon kay PAGASA weather specialist Patrick Del Mundo, ang shearline pa rin ang nakakaapekto sa bahagi ng Bicol Region at ilang bahagi ng Southern Luzon partikular na sa Quezon Province at ilang bahagi ng MIMAROPA maging sa Oriental Mindoro at Western Visayas.
Samantala, isa namang Low Pressure Area ang namumuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility na nasa bahagi ng Southern Mindanao kaya’t asahan na magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang ilang bahagi ng Eastern Visayas, Caraga at Davao region.
Makararanas pa rin ng epekto ng hanging amihan sa bahagi ng Northen Luzon kaya asahan ang maulap na kalangitan sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon.
magiging maulan naman ang bahagi ng Visayas at nalalabing bahagi ng silangang Mindanao dulot ng localized thunderstorm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 30 habang sumikat naman ang haring araw kaninang 6:15 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:31 ng hapon.