Inilabas na ng Simbahang Katolika ang panalangin laban sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan para sa heinous crimes kabilang ang mga drug-related offense.
Binasa ang panalangin sa misa kahapon sa iba’t ibang simbahan sa lungsod sa pangunguna ni Manila Archbishop at Cardinal Luis Antonio Tagle upang manawagan ng tulong kontra sa death penalty.
Binanggit sa panalangin na isang uri ng paghihiganti ang parusang bitay na nagpapanggap na hustisya.
Magugunitang inaprubahan ng House Justice Committee ang panukalang batas na nagbabalik sa bitay na posibleng pumasa sa susunod na taon.
By Drew Nacino