Ipinanawagan ng CPCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines sa publiko na isama sa panalangin ang Pilipinas.
Ito’y kasabay ng pagbubukas ng taunang simbang gabi.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, bukod sa mga sariling panalangin o kahilingan ay huwag din sana aniyang kalimutan na ipanalangin ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.
Ito ay kaugnay na rin umano ng kabi-kabilang isyu na kinakaharap ng bansa sa iba’t ibang sektor ng lipunan.