Patuloy ang pananalangin ng iba’t ibang religious groups at congregations sa buong bansa bilang panawagan sa panginoon na magkaroon ng mapayapa at malinis na eleksyon sa Mayo 9.
Abril 30 o noong Sabado pa lamang ay nag-no-novena na ang mga madre sa Carmelite Monastery sa Lipa City, Batangas upang humiling ng “divine intervention.”
Sa Cubao Diocese naman particular sa Immaculate Conception Cathedral, lalaki o babae mula sa mga kongregasyon ang nagsasagawa rin ng novena.
Kapwa binibigkas ng mga pari at madre ang panalangin ng “veritas” o katotohanan para sa halalan.
Hinihiling din ng mga ito sa Panginoon na bigyan ang Pilipinas ng mga leader na may malasakit sa mga mamamayan at takot sa Diyos at magkaroon ng karunungan ang mga botante na piliin ang karapat-dapat na iluklok sa pwesto.
By Drew Nacino