Nawalan lamang ng saysay sa ilalim ng Duterte administration ang panalo ng Pilipinas laban sa China sa PCA o Permanent Court of Arbitration.
Pahiwatig ito ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa unang anibersaryo ng paborableng desisyon na nakuha ng Pilipinas sa PCA.
Ayon kay Del Rosario, dapat ay tapatan ng China ang magandang pakikitungo sa kanila ng Duterte administration sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa mga karapatan at ipinaglalaban ng Pilipinas.
Pinuna ni Del Rosario na sa kabila ng mahigpit na pagkakaibigan ngayon ng Pilipinas at China, nagpapatuloy naman ang aktibidad ng China sa West Philippine Sea at wala siyang nakikitang indikasyon na magbabago sila ng direksyon.
- Len Aguirre