Patuloy pa rin ang pag-apoy ng oil tanker Sanchi, tatlong araw matapos ito masangkot sa banggaan sa Silangang bahagi ng China Sea.
Habang patuloy din ang paghahanap sa 31 pang nawawalang mga tripulante ng bumanggang barko.
Ayon sa China Ministry of Transportation, aabot sa 14 na mga barko na ang nagtutulungan para maapula ang apoy at magsagawa ng search and rescue operations.
Kabilang na rin dito ang mga naglilinis naman sa oil spill sa karagatan.
Batay sa ulat, ang Panama cargo ship na Sanchi ay patungo sanang South Korea mula Iran nang makabanggaan nito ang isang Hong Kong registered vessel noong Linggo ng gabi.
—-