Iginiit ng Ecowaste Coalition na dapat sagutin ng Canada ang gastos para maibalik sa kanilang bansa ang tone–toneladang basura ng Canada na nakatambak ngayon sa Manila port area.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste Coalition, dapat pagbayarin ng Canadian government ang pribadong kumpanya sa Canada na nag–export ng mga basura dito sa Pilipinas.
Pinuna ni Lucero na hindi pa kinakasuhan ng Canadian government ang pribadong kumpanya na nagdala ng basura sa Pilipinas gayung ang local importer dito sa Pilipinas ay nakasuhan na.
Sa pagkaka-alam naming ‘yung counterpart sa Canada eh wala pa ring kaso.
So, siguro… ang dapat lamang ‘yung Canadian company ay makasuhan din at sa… kung may problema doon sa… dapat ‘yung Canadian company ang magbayad nun.
Sa kabila nito, sinabi ni Lucero na bukas sila sa pangako ni Canadian Prime Miniser Justin Trudeau na babawiin nito ang mga basura at umaasa aniya sila na gagawin ito ng Canada sa lalong madaling panahon.
Kung wala pa rin talaga, kung sino ang magso-shoulder… ay mayaman naman ang bansang Canada at ini-expect doon sa naging violation sa Pilipinas at ‘yung dignity ay pu-pwede naman na ‘yung Canada na mismo ang kumuha.
Matatandaan na ganito din ang naging pangako ni Trudeau nang dumating ito sa bansa para dumalo sa APEC Summit noong nakaraang taon.