Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng pag-atake sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi agad naka-responde ang mga awtoridad sa insidente dahil na rin sa kakulangan ng koordinasyon ng pamunuan ng casino.
Nakalulungkot aniya na nag-ugat lamang sa problema ng isang tao ang pagkamatay ng mahigit tatlumpung (30) biktima.
Bandang huli, inihayag ng Pangulo na maraming dapat ipaliwanag ang Resorts World at hindi pa rin ito ligtas sa mga kasong maaaring kaharapin.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte