Binasag na ng Government Corporate Counsel ang pananahimik nito matapos sibakin ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Rudolf Philip Jurado tinatanggap niya at inirerespeto ang naging pasya ng Pangulo.
Karangalan aniya niya bilang presidential appointee ang mabigyan ng pagkakataong magsilbi sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Tikom naman ang bibig ni Jurado sa sinasabing dahilan ng Pangulo sa pagsibak sa kaniya matapos itong mag-isyu ng prangkisa sa Aurora Pacific Economic Zone sa mga lugar na hindi sakop ng lalawigan ng Aurora.
—-