Nanindigan ang Philippine National Police o PNP na ang stabbing incident sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) noong Setyembre 28 ay hindi resulta ng riot.
Ito ang inihayag ni Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Investigator Supt. Francisco Ebreo sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Matatandaang napatay ang convicted drug lord na si Tony Co sa insidente, habang nasugatan ang iba pang high profile inmate na sina Jaybee Sebastian, Vicente Sy at Peter Co.
Sinabi pa ni Ebreo na dapat papanagutin ang mga inmate na sina Clarence Dongail, Edgar Sinco at Tomas Doniña sa nasabing stabbing incident.
Pero, binanggit ng opisyal sa house panel na wala pa silang isinasampang kaso laban sa mga naturang inmate.
By Meann Tanbio