Mariing kinondena ng militar ang ginawang pananambang ng NPA o New People’s Army sa mga sundalo at volunteers sa Barangay Linunggaman, San Francisco, Surigao Del Norte na maghahatid sana ng mga relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng magnitude 6.7 na lindol.
Ayon kay Major General Benjamin Madrigal Jr., Commander ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, patunay ito na panloloko lang at kasinungalingan ang idineklarang ceasefire ng NPA sa mga lugar na tinamaan ng lindol.
Tama lang aniya na inabisuhan nila noon ang mga sundalo na manatiling mapagmatyag kahit pa may deklarasyon ng tigil putukan ang mga rebelde.
Tiniyak naman ni Madrigal na hindi mahihinto ng pag-atakeng ito ang pagtulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng lindol.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal