Mariing kinundena ng pamunuan ng ABS-CBN ang ginawang pananambang sa kanilang mga tauhan.
Sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN, nananawagan ito sa mga awtoridad na imbestigahan ang pangyayari.
Kasalukuyang pangulo ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP sa Iligan City ang tinambangang reporter na si Ronnie Enderes.
Sa panig naman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP, hinamon ni KBP National President Herman Basbaño ang gubyerno na patunayan na walang umiiral na culture of impunity sa bansa.
Kasalukuyang nasa ligtas na kalagayan na si Enderes gayundin ang news team nito na kinabibilangan nila Emilito Balansag at Garry Montecillo.
By: Jaymark Dagala