Naniniwala si Senador Richard Gordon na may kaugnayan sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga bilanggo ang pagpaslang kay dating Bureau of Corrections legal affairs chief Atty. Frederick Anthony Santos.
Ayon kay Gordon, posibleng naalarma ang ibang opisyal sa BuCor sa maaaring ikanta ni Santos hinggil sa mga nangyayaring anomalya sa loob ng Bilibid.
Baka kako nung nasuspinde na sila, pagapang na doon sa matataas diyan, tinginko, nataranta na ‘tong mga ‘to. T’yaka dati na nilang ginagawa kaya matatapang na ‘yang mga ‘yan,” ani Gordon.
Kinuwestyon din ni Gordon, chairman ng senate blue ribbon committee, kung bakit tila walang nareresolbang kaso hinggil sa pagpaslang sa mga opisyal ng lalo na at nangyayari pa ito aniya mismo sa paligid ng New Bilibid Prison.
Si Santos na umano ang pang-15 opisyal ng BuCor na napatay sa labas ng gate ng Bilibid simula pa noong 2011.
Bakit isang ahensya ng gobyerno, 15 na ang napapatay, wala pang nangyayari kahit na isa? Doon sa paligid at loob ng Muntinlupa, mga opisyales, mga custodian guard, bakit nakakagawa sila niyan?” ani Gordon. —sa panayam ng Ratsada Balita