Mariing kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang nangyaring pananambang sa isang abogado sa Dumaguete City kahapon.
Ayon sa IBP, hiniling nito sa mga awtoridad na paspasan ang ginagawang imbestigasyon upang agad mahuli at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod ng krimen.
Ang nangyari kay Atty. Ray Moncada anila ay maituturing na isang uri ng pagyurak sa sistema ng hudikatura sa bansa.
Kasunod nito, handa naman ang IBP na mag-abot ng anumang tulong kay Moncada at sa pamilya nito.
Magugunitang tinambangan si Moncada sa labas lamang ng tahanan nito sa barangay Daro, Dumaguete City kahapon ng umaga.
Agad namang isinugod ang nag-aagaw buhay nang abogado sa Siliman Medical Center at isinailalim sa operasyon.