Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang nangyaring pananambang sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City.
We would like to condemn the killing of a broadcaster block timer Dindo Generoso who, we understand, was killed at around 7:25 this morning,” ani Panelo sa kanyang pulong-balitaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng puspusang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng broadcaster blocktimer na si Dindo Generoso at magpataw ng karampatang legal na aksiyon laban sa mga nasa likod ng pananambang.
The President has directed the authorities to conduct a thorough investigation and to prosecute those behind the killing,” ani Panelo sa kanyang pulong-balitaan.
Magugunitang pasado alas-siyete kaninang umaga, ika-7 ng Nobyembre, nang pagbabarilin si Generoso habang nasa biyahe ng hindi pa nakikilalang mga suspek.