Kinondena ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang pananambang sa tropa ng gobyerno sa Eastern Samar.
Lulan ng isang military truck ang mga sundalo ng 546th Engineering Battalion mula sa 83rd Reconnaissance Company at mga empleyado ng social welfare department nang ma-ambush sa bayan ng Pinabacdao.
Sugatan ang dalawang sundalo sa naturang pananambang subalit nasa mabuting kalagayan na umano ang mga ito.
Giit ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama, kung totoong mga rebelde ang gumawa nito ay walang konsensiya ang mga ito.
By Jelbert Perdez