Hindi pinalagpas ni Minority Congressman at Caloocan Rep. Edgar Erice maging ang pananamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos pa lamang na ASEAN Summit kamakailan.
Ayon kay Erice, tila sumama ang kaniyang panlasa nang makitang hindi maayos ang suot na barong ng Pangulo sa mga malalaking pagpupulong na dinaluhan nito.
Nakabababa aniya ng pagtingin sa isang pinuno ng bansa ang hindi maayos na pananamit nito lalo’t pambansang kasuotan pa ang dinadala nito at inihaharap sa mga lider ng ibang bansa.
Kasunod nito, nagpahayag din ng panghihinayang si Erice dahil bukod sa hindi maayos na pananamit ng Pangulo, bigo rin aniyang ilatag ng Pilipinas ang iba’t ibang usapin tulad ng EJK o extra-judicial killings, paglabag sa karapatang pantao at iba pa.