Nangangamba naman si dating Pangulong Fidel Ramos sa posibleng pananamlay ng pamumuhunan ng mga negosyante sa bansa.
Kasunod ito ng hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng limang buwan ang idineklara niyang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Ramos, maaari aniya kasing iwasan ng mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas dahil ang paglalagay ng Martial Law ay pagpapakita ng hindi matatag na seguridad sa bansa.
Samantala, umaasa naman ang miyembro ng 1987 Constitutional Commission na si Atty. Christian Monsod na titingnan sa tamang pananaw ng mga mambabatas ang mga batayan sa hirit na ito ng Pangulo.
By Jaymark Dagala
Pananamlay ng ekonomiya posible sa pagpapalawig ng Martial Law was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882