Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kristiyanong Filipino na mas palakasin pa ang pananampalataya kasabay ng paggunita sa All Saints’ day ngayong araw at All Souls’ day bukas.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siyang magiging inspirasyon ng Filipino christian community ang okasyon para sa pagpapalakas ng pananampalata at pagpapanatili ng mga tradisyon na nagpapatatag sa bansa.
Hinihikayat ng Pangulo ang lahat na ialay ang oras, kakayahan, at kaalaman ng lahat para makabuo ng isang positibo at makabuluhang epekto sa komunidad.
Hinihiling din ng pangulo ang isang mataimtim at makabuluhang paggunita sa araw ng mga patay.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, sa mga ganitong panahon binibigyang pagkilala ng bawat isa ang mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-alala sa mga masasayang panahon na nakapiling sila.
Gayundin, ang pag-alala sa kagila-gilas na pamumuhay ng mga santo na patuloy na naggagabay sa pang araw-araw nating buhay.