Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pananatili ng bansa sa Tier 1 ranking sa 2022 Anti- Human Trafficking Report ng US Department of State.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ito ay nangangahulugan na ganap nang nakamit ng Pilipinas ang mga pamantayan upang masugpo ang human trafficking sa kabila ng pandemya.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy itong susuporta sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagresponde sa mga victim-survivors ng naturang kaso.
Noong 2021, umabot sa halos 1,900 ang nakaligtas na biktima sa human trafficking ang natulungan ng DSWD sa pamamagitan ng recovery and reintegration program nito.