Naniniwala ang grupong OCTA Research na walang pinagkaiba ang Alert level 3 sa 4 sakaling ipatupad ito sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, kung siya ang tatanungin wala namang masama kung itaas ang Alert status sa level 4.
Ito, anya, ay dahil wala na rin naman masyadong lumalabas na tao kahit ngayong nasa ilalim ng Alert level 3 ang National Capital Region.
Kahalintulad anya ito sa mobility rate ng publiko noong Oktubre ng nakaraang taon.
Mobility daw ay mababa naman at nung chineck ko mababa nga yung mobility natin ngayon, ibig sabihin hindi lumalabas masyado yung mga tao eh… so yung mobility natin parehas doon sa mobility natin noong October1 to 15 na nasa Alert level 4 tayo…Ibig sabihin kahit ilagay pa sa Alert level 4 wala paring magbabago halos ganon pa rin yung mobility natin. – Si Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, sa panayam ng DWIZ.