Ikinatuwa ng grupo ng mga negosyante ang desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na manatili sa alert level 1 ang Metro Manila hanggang katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis, Presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), malaking tulong ang alert level 1 upang maipagpatuloy ang pagbabalik ng ekonomiya ng bansa sa normal.
Bilyon-bilyong piso na aniya ang ginastos ng gobyerno sa pamimigay ng ayuda maliban pa sa ibang pinagkakagastusan kaya dapat na manatili sa mababang restriksyon ang National Capital Region (NCR).
Una nang inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi na kailangang itaas ang alert level sa NCR dahil walang naitatalang seryosong kaso at hindi rin punuan ang mga ospital.