Nanawagan sa pamahalaan ang Alkalde ng Negros Occidental at Baguio City na manatili ang kanilang lungsod sa Alert Level 2.
Sa kabila ito ng mga panawagan ng ilang lungsod sa bansa na ibaba na sila sa Alert Level 1 dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, kailangan pa ring maging maingat lalo’t nasa gitna ang bansa na pangangampanya para sa Eleksyon 2022.
Bagama’t kasi aniya bumababa ang kaso, posible pa rin itong tumaas anumang oras.
Samantala, para naman kay Baguio City Mayor Benjamin magalong ay mas inirerekomenda nila ang Alert Level 2 upang hindi magkaroon ng COVID relapse.
Nakatakdang maglabas ng bagong kautusan ang iatf para sa magiging COVID-19 restriction sa Marso. – sa panulat ni Abigail Malanday